Ang Watatwat ng Pilipinas
Alam kong totoo ang Diyos dahil may Pilipinas. Ako ay isang Pilipino at masaya ako na sa dami dami ng bansa sa buong mundo nilagay ako ng Diyos sa Pilipinas. Ang mga tao dito katulad ko, masayahin at punong puno ng pagasa. Kahit maraming nang pinagdaanan na trahedya, kasawian, at mga malulungkot na pangyayari nakukuha parin namen ngumiti, maganda man o kulang ang ngipin. Kami rin ay maabilidad na tao, madali namin natututunan ang mga bagay kahit hindi kame bihasa dito, kaya maraming Pilipino ang nangingibang bansa at nakakakuha agad ng magandang trabaho.
Mahalaga sa aming mga Pilipino ang PAMILYA. Maraming kababayan namen ang umaalis ng bansa para maitaguyod ang pamilya. Lahat ata ng OFW sa buong mundo nagtratrabaho, kumikita ng pera para ipadala sa mga kapamilya dito sa Pilipinas. Mayroon namang iba na pagnakaluwag sa pera ay dinadala na ang kanyang buong pamilya sa bansang kanyang pinagtatrabahuan.
Sa mga kapamilya ko walo ang nangingibang bansa. Apat doon ay nasa Japan, tatlo ang nasa Maldives at isa ang nasa Denver, USA. Yung mga kamag-anak namen sa Japan halos tatlongput taon ng nandoon, sa Maldives at USA naman magtatalong taon palang. Masayang magkaroon ng mga kamag-anak na ngingibang bansa, lahat kaya nilang maibigay para sa pamilya nila sa Pilipinas. Lahat sila nagsisikap ara magkaroon ng ipupundar dito. Masaya dahil kumikita sila ng triple kesa dito sa Pilipinas. Masaya dahil yung mga naiwan nila dito sa Pilipinas nagkakaroon ng pagkakataon na mangibang bansa din. At ang pinakamasaya, pagumuuwi sila galing sa bansang pinanggalingan nila dahil araw araw ang welcome party nila at nagtatagal naman ng isang Linggo para sa padespidida party nila.
Eto naman ang hindi masaya, kahit maraming pera, kahit naibibigay lahat ng luho, kahit malaking ang pagkakataon na makapagibang bansa rin ang mga mahal nila sa buhay iba parin ang pamilyang sama sama. Mas masayang kumakain ng tuyo basta't sama sama ang pamilya kesa naguulam ng hamon ng magisa. Mas masaya na laging ordinaryong araw lang araw araw kesa sa araw araw na may despidida party. At ang pinakamasaya, ang itrato ka ng mga mahal mo sa buhay na mahalaga kesa sa itrinatrato kang hari o reyna pagbumabalik ka ng Pilpinas dahil para kang hari o reyna paggumastos sa luho ng boung kamag-anakan mo.
Maganda ang Pilipinas, hindi na lang masyadong pinapansin dahil hindi naten binibigyan ng importansya ito. Simulan naten sa pagdadasal sa ating bansa.
"Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
Ngayo'y ang aking mga mata ay didilat, at ang aking pakinig ay makikinig, sa dalangin na gagawin sa dakong ito"